
Sabi nila lahat ng bagay daw may dahilan. May dahilan kung bakit tayo
buhay at humihinga. May dahilan kung bakit matamis ang nectar
ng santan. Kung bakit tinawag na “sundo’t kulangot” yung matamis na
binebenta sa Baguio. Kung bakit “orange” ang kulay ng kwek-kwek. Kung
bakit laging nagpapamigay ng sumbrero si April Boy tuwing kumakanta
sya at kung bakit split ng split si Mystika (nasan na nga ba sya?).
Ano pa man yan, alam natin na lahat ng yan ay may dahilan, malalim man
o mababaw. Pero sabi nga nila ang pinakamahirap na parte dun ay yung
paghanap kung ano yung dahilan na yun.
Parang ngayon, heto ako, pilit na hinahanap yung dahilan kung bakit
nandito ako sa Newport na milya milya ang layo mula sa bahay
namin sa Marikina. Kung bakit ko tina-tyaga na malayo sa pamilya ko at
mag-dorm. Maaring alam ko na yung dahilan, pero nagiisip pa din
ako, “This is it na po ba talaga?”
Hindi kase sumagi sa isip ko na dito ako dadalhin bilang yung 5 nag-
interview sakin ay pare-parehong mga taga-Eastwood.
Aminado naman ako na mas masaya ako ngayon. Mas hiyang gaya nga ng
sabi nila.
Hanggang sa nakilala ko tong lalaking ‘to. Isang tipikal na lalaking
walang halong angas ‘pag kumilos. Tahimik. Mukang seryoso (pero mukang
hindi sa totoong buhay). Oo, marami akong nakikitang gwapo sa paligid
ko, naka-porma, naka-suit, naka-kurbata, plantsadong plantsado
ang damit at makintab ang sapatos. Pero iba sya. May kakaiba sa kanya.
Naalala ko pa nung unang beses na nagkausap kame sa telepono at
natarayan ko pa sya. Nung unang beses na nagusap kame ng mata sa mata.
Hanggang sa nasundan ng nasundan hindi lang dalawa, hindi rin tatlo.
Hanggang sa naging facebook friends na kame. Oo, ako yung nag-
add sa kanya. Pero aminado ako na wala pa naman akong
nararamdaman sa kanya ng panahong yun. Feeling Close lang
talaga ako.
Habang tumatagal at nagkakausap kame, paunti-unti nararamdaman ko na
nahuhulog na ko sa kanya. Pero habang nahuhulog ako sa kanya, alam mo
yun, para syang bula, bigla na lang nawala.
Naguusap pa naman kami ngayon, hindi nga lang kagaya ng dati. Siguro
nagsawa na syang kausap ako. Siguro may nakita syang ibang babae, mas
maganda at sexy sakin bilang hindi naman ako sexy at lalong hindi ako maganda, kase alam ko cute lang ako. Siguro akala nya hindi ko sya gusto at mas gusto ko yung mga kasamahan nyang gwapings at chickboy (pwede sa chick, pwede sa boy. Chos!) Siguro takot lang sya, hindi pa handang makipag-relasyon.
Ang dami namang siguro, sana sigurado na lang para mas simple at
masaya ang buhay no? Minsan naisip ko, “Siya na kaya yung dahilan kung
bakit nandito ako?” Dahil dito ko na daw makikilala yung lalaking
papakasalan ako (Hindi ba masyadong advance ako?) Sa buhay kasi
laging walang kasiguraduhan. Kaya dapat din hindi ka sugal ng sugal. Hindi nga din ako sigurado kung nabasa nya na ‘to. O kung kasalukuyan man nyang binabasa, alam nya kayang siya yung taong tinutukoy ko?
Maraming beses pinilit kong iwasan na lang sya. Baka kase mali ako, ayoko na uli masaktan. Dalawang bagay lang naman yan, masyadong mapagbiro
ang tadhana at nagkikita pa din tayo. Pwedeng masyado ding maliit yung
mundong ginagalawan natin, magkikita’t magkikita talaga tayo. Ano ba
talaga kase, Kuya? Bat kase ang gulo gulo mo?
Totoo na ang lahat ng bagay may dahilan. Pero ang pinakamiharap e yung
paghanap kung ano yung dahilan na nakabalot dun, malalim man yun o mababaw.
Mas masaya siguro ang buhay kung walang salitang “siguro” at lahat may kasiguraduhan. Kung sa unang tingin pa lang alam mo na yung sagot sa tanong mo, hindi magiging komplikado.

Kaninang madaling araw habang ako’y nakahiga at kasalukuyang nagmumuni-muni habang tinitignan ang aking replekyon sa double-deck kong kama sa dorm, biglang pumasok sa isip ko, “Kung mag-blog kaya ako uli?”. Wala pa kong naiisip na pasabog na blog ngayon. Dumaan lang ako para mag-“hi” at “hello” sa inyo mga ate at kuya at sa mga followers ko dito na hindi naman karamihan (mabuti ng meron keysa wala, diba?). Salamat at kahit nawala ako ng anim na buwan hindi nyo naisipang i-unfollow ako. Hahaha! Yun lang. Magandang umaga, Philippines! Kisses from Little Ms. Bungisngis! x
- Mari Mari Mari (The Shy Little Girl)
Follow me on twitter: bungisngisss
Last year, my dear friends surprised me with colorful cupcakes for my birthday.
Eh this year kaya? Haha!
Dear family, friends, stalker (kung meron man), future boyfriend/manliligaw (#asanamanako),
I’m not asking for too much. I just want all of you to remember my birthday. But don’t forget to buy one colorful cupcake for me =) Hehe! Palambing lang ♥
xo,
Bok ☺
February 6, 2011 (LAMINA’S RESIDENCE)
Happy Birthday Carlo and Ness! =)
It was indeed a successful birthday surprise! Heehee!
A day filled with wii games, chocolate cake, pizza and soda.
Honestly, it’s the “truth or dare” game that I enjoyed the most. Hahahaha! =)
Looking forward for more years with my SOSEEE SAUCE Family =)

| african safaris |